Jinggoy humirit ng insentibo sa mga nagta-trabaho sa init

By Jan Escosio April 08, 2024 - 06:00 PM

Karagdang insentibo o benepisyo sa mga manggagawa na patuloy na magta-trabaho sa kabila ng matinding init.                                                 (FILE PHOTO)

Nais ni Senator Jinggoy Estrada na magkaroon ng karagdagang insentibo o benepisyo ang mga manggagawa na patuloy na nagta-trabaho sa ilalim ng matinding init.

“Providing additional incentives or benefits to those who brave the heat to keep our economy running during weather disturbances is fair and shows our commitment to their well-being,” ayon sa inilabas na pahayag ng opisina ni Estrada.

Aniya dapat ay marepaso ang direktiba ng Department of Labor and Employment (DOLE) ukol sa maaring hindi pagta-trabaho ng mga manggagawa dahil sa sobrang init ng panahon ngunit wala silang suweldo sa pagliban.

Nakasaad naman sa abiso na hindi din maaring maharap sa anumang kasong administratibo ang kawani na hindi magta-trabaho dahil sa init ng panahon.

“We cannot overlook the financial strain that this places on workers. Under the DOLE policy, allowing employees to utilize their accrued leave credits is a step in the right direction. But we must likewise consider those who no longer have sufficient leave balances. In this situation, I urge employers to exercise compassion and understanding during extreme weather conditions,” ani Estrada.

TAGS: heat index, work, heat index, work

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.