Presensiya ng Chinese militia sa Parañaque City village pinabulaanan
Walang sapat na basehan ang napaulat na hinihinalang presensiya ng Chinese militia sa isang subdibisyon, ayon sa Southern Police District (SPD).
Nagsagawa ang SPD intelligence operatives ng “investigation and validation” sa security force at homeowners association ng Multinational Village at napatunayan na nabawasan na ang presensiya ng Chinese citizens sa pamayanan.
Dumami ang Chinese citizens sa naturang lugar kaalinsabay nang pamamayagpag ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa mga nakalipas na taon, ngunit mga residente na mismo ang nagsabi na nabawasan na ang ito.
May mga nesgosyo sa lugar na pag-aari ng Chinese citizens ngunit ang mga ito ay nagbibigay serbisyo sa lahat ng mga residente at hindi ekslusibo.
Lumabas din na ang napa-ulat na Chinese military-looking na madalas na mag-jogging sa lugar ay mga tauhan ng village security.
Tiniyak ni SPD director, Brig. Gen. Mark Pespes na pangangalagaan nila ang seguridad at kaligtasan ng mga residente na nasa kanilang hurisdiksyon at agad iimbestigahan ang mga kahina-hinalang aktibidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.