Libreng sakay sa mga WW2 veterans sa MRT 3

By Jan Escosio April 03, 2024 - 05:46 PM

World War 2 veterans libre ang sakay sa MRT3 sa Abril 5 – 11.                              (INQUIRER PHOTO)

Anim na araw na libre ang pagsakay ng mga beterano sa MRT – 3 kasabay nang pagdiriwang ng Philippine Veterans’ Week at ng 82nd Araw ng Kagitingan (Day of Valor) sa Martes.

Sinabi ni  MRT-3 officer-in-charge, Asec. Jorjette Aquino kailangan lamang na magprisinta ang beterano ng kanyang  Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) ID at maging ang kanyang kasama ay libre na sa pasahe.

“Libreng makakasakay ang mga beterano at kanilang kasama sa buong oras ng operasyon ng MRT-3 sa nabanggit na mga araw,” ani Aquino.

Aniya ang libreng sakay ay isang paraan lamang ng kanilang pagkilala sa mga sakripisyo sa mga nakipaglaban noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

“Kaya naman po bilang tugon sa kahilingan ng Department of National Defense (DND), nais natin pagpugayan at pasalamatan ang ating mga beterano kahit sa simpleng paraan lamang,” dagdag pa niya.

 

 

TAGS: libreng sakay, MRT 3, libreng sakay, MRT 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.