Tsunami warning sa North Luzon areas dahil Taiwan M7.5 quake
Naglabas ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng tsunami warning sa apat na lalawigan sa Hilagang Luzon matapos ang magnitude 7.5 earthquake sa Taiwan ngayon umaga.
Itinaas ang tsunami warning sa Group of Islands, Cagayan, llocos Norte, at Isabela.
Pinakikilos na ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng mga naturang lalawigan para sa mga hakbang lalo na sa mga komunidad sa dalampasigan.
Base sa abiso, naganap ang lindol alas-7:58 sa hilagang silangan ng Taiwan at may lalim ito ng 19 kilometro.
Sa mga paunang impormasyon, apektado ang suplay ng kuryente sa Taipei, ang kapitolyo ng Taiwan.
Sa abiso pa rin ng Phivolcs, tatama ang unang tsunami waves alas-8:33 hanggang alas-10:33 ngayon umaga at magpapatuloy ng ilang oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.