Kaso ng pertussis sa bansa hindi na tumataas – DOH

By Jan Escosio April 02, 2024 - 10:11 PM

Hindi pagpapabakuna ang unang dahilan kayat marami ang tinatamaan ng pertussis, ayon kay Health Sec. ted Herbosa. (INQUIRER PHOTO)

Ibinahagi ni Health Secretary Ted Herbosa na nag-“plateau” na ang kaso ng pertussis o “whooping cough” sa bansa.

Nangangahulugan aniya na hindi na tumataas ang bilang ng mga kaso.

Gayunpaman, pagtitiyak ng kalihim na nakatutok ang kanilang Regional Epidemiology Units sa naturang sakit para makatiyak na tamang datos ang kanilang nakukuha.

Simula aniya noong Enero, nakapagtala na sila ng 862 kaso at may 49 na ang namatay.

Dagdag pa niya, 58 porsiyento ng mga kaso ay may edad anim na linggo hanggang apat na buwan.

Pagbabahagi pa ni Herbosa na ang mataas na bilang ng mga kaso ay dahil sa hindi pagpapabakuna ng pangontra sa sakit.

TAGS: doh, ubo, doh, ubo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.