TF El Niño sa LGUs: Puwede mag-suspindi ng F2F classes kapag sobra ang init
Pinagbilinan ng Task Force El Niño ang mga local government units (LGUs) na maaring ikunsidera ang pagsupindi sa in-person classes kung sobra na ang init ng panahon.
Sinabi ni Task Force El Niño spokesperson Joey Villarama may kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan na magsuspindi ng mga klase base sa mga mabibigat na kadahilanan.
Aniya hindi lamang ang pagiging komportable ang kailangan ikunsidera ng mga lokal na opisyal kundi ang maaring maging epekto sa mga mag-aaral at guro ng mainit na panahon.
“Kung hindi po talaga viable at hindi na po talagang advisable na tumungo pa sa mga classroom ang ating mga kabataan, pati ang ating mga teacher, ay mag-shift na po tayo sa online classes,” aniya.
Sinabi naman ni Education Asec. Francis Bringas ang mga guro at mag-aaral ay may opsyon na magsuot ng komportableng damit alinsunod sa “dress code.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.