2 rebelde napatay sa engkuwentro sa Quezon

By Jan Escosio March 30, 2024 - 12:29 PM

Binigyan ng AFP ng disenteng burol ang dalawang napatay na rebelde sa Guinayangan, Quezon. (Army 85th Sandiwa Battalion Photo)

Nasawi ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa pakikipaglaban sa mga puwersa ng gobyerno sa Guinyangan, Quezon.

Kinilala ang nasawi na sina alyas Joy at alyas Ramon/ Isko, habang isang sundalo naman ang nasugatan sa nasabing insidente.

Sa inisyal na ulat ng Philippine Army (PA), muling nakasagupa ng tauhan ng 85th Infantry “Sandiwa” Battalion ang ang mga miiyembro ng  Platun Reymark, SRMA-4B, STRPC sa Barangay San Jose dakong alas-6:20 ng umaga nitong Huwebes Santo, Marso 28. \

Narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang tatlong high-powered firearms na pinaniniwalaang iniwan ng mga rebelde.

Magugunita na noon nakaraang Lunes nagtangkang pumasok sa bayan ng Calauag ang naturang grupo ng mga rebelde subalit naharang sila ng mga puwersa ng gobyerno.

Nananatiling alerto ang militar dahil posibleng nagtatago pa sa lugar ang mga terorista na nagdulot ng kaguluhan sa kapayapaan ng Guinayangan at buong lalawigan ng Quezon.

Patuloy din ang pagsasagawa ng mga otoridad ng checkpoints at monitoring sa mga ospital at clinic, gayundin ang pakikipag-ugnayan sa mga alkalde hanggang sa mga opisyal ng barangay upang masiguro na ligtas ang mga residenteng malapit na pinangyarihan ng engkwentro.

TAGS: NPA, quezon province, NPA, quezon province

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.