Babae inasunto sa bomb joke sa Puerto Galera

By Jan Escosio March 28, 2024 - 12:55 PM

Huli na ang pagsisisi ng isang babae na nagbitaw ng “bomb joke” sa Puerto Galera Passenger Terminal Building. (PPA PHOTO)

Inaresto ng mga tauhan ng Philippine Ports Authority (PPA) at lokal na pulisya ang isang babae dahil sa bomb joke sa Port of Puerto Galera sa Oriental Mindoro.

Base sa impormasyon mula sa PPA papasok sa Passenger Terminal Building ang babae kahapon nang magbiro na may dala siyang bomba.

Sinabi niya ito habang nakapila sa baggage x-ray machine sa naturang terminal.

Agad siyang kinausap ni Port Police Officer II Javel Cuento at lumapit na ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at pulis.

Sa istasyon ng pulisya, sinampahan na siya ng kasong paglabag sa PD 1727 o ang Anti-Bomb Joke Law.

TAGS: bomb joke, puerto galera, bomb joke, puerto galera

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.