Nais ng Pilipinas at India na mapagtibay pa ng husto ang kolaborasyon ng dalawang bansa sa usapin ng maritime security.
Pinag-usapan nina Pangulong Marcos Jr., at Indian Minister of External Affairs Subrahmanyam Jaishankar ang mga lumalawig na panganib sa mga karagatan sa buong mundo.
Sa isyung ito nagkasundo ang dalawang lider na paigtingin pa ang koordinasyon ng dalawang bansa.
Sa pulong, nabanggit ni Marcos ang napakahalagang kontribusyon ng mga marinong Filipino sa kanilang pagta-trabaho sa ibat-ibang uri ng mga commercial vessels.
“So, that kind of partnership, we have just rationalized our — the system, the local system for the support of our local seafarers because before it has been a little bit haphazard but now I think we have—we made some sense of it and I think we will be going to be a little bit to a great advantage,” ani Marcos.
Sinang-ayunan naman ito ni Jaishankar at aniya dapat ay tingnan ang lahat ng mga posibilidad kung saan maaring magkatulungan ang dalawang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.