Zubiri nanawagan ng pagtatapos ng lahat ng giyera sa mundo

By Jan Escosio March 27, 2024 - 06:37 AM

Kapayapaan sa buong mundo ang ipinanawagan ni Senate President Migz Zubiri sa 148th Inter-Parliamentary Union Assembly. (SENATE PRIB PHOTO)

Kapayapaan at ang pagtatapos na ng mga digmaan ang naging panawagan ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa idinaraos na 148th Inter-Parliamentary Union (IPU) sa Geneva Swizerland.

Sa harap ng mga kapwa mambabatas mula sa ibat-ibang bansa, sinabi ni Zubiri ang hindi digmaan ang nagpapabagal sa paglago ng pandaigdigang ekonomiya.

Ito aniya ay may mga epekto na ang lubos na naaapektuhan ay ang mga mahihirap.

Kasabay nito, nanawagan din si Zubiri sa mga kapwa mambabatas na paigtingin ang kani-kanilang ugnayan at kooperasyon para sa mapayapang pamumuhay sa mundo.

Kasama ni Zubiri sa Switzerland sina Minority Leader Koko Pimentel III at Sens. Nancy Binay, Pia Cayetano at Lito Lapid.

Ang IPU ay isang pandaigdigang organisasyon ng mga mambabatas sa mundo at ang pangunahing layon nito ay ang pagsusulong ng demokratikong pamumuno.

TAGS: IPU, Kapayapaan, IPU, Kapayapaan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.