Sen. JV Ejercito nakidalamhati sa naulila ng nasawing lady rider sa Bohol Loop
Sinabi ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito na promosyon ng turismo ang tanging layon ng idinaos na Bohol Loop 2024.
Kasabay nito ang pagpapaabot ng pakikiramay ni Ejercito sa isang lady rider na nakilalang si Ana Marie Tasic na nabangga ng isa din lady rider na si Suzette Lacanaria, tubong Cagayan de Oro City.
“Life is priceless and her loss is truly heartbreaking. My heartfelt sympathies go out to her family and loved ones during this incredibly difficult time,” ani Ejercito sa inilabas na pahayag ng kanyang opisina.
Pagtitiyak niya na pagbubutihin pa nila ang “safety measures” para maiwasan na ang mga katulad na aksidente.
Nabatid na may lima pang nakibahagi sa “endurance ride” ang nasaktan.
Paliwanag pa ng senador na nakibahagi siya sa Bohol Loop 2024 bilang bahagi ng Philippine Motorcycle Tourism katuwang ang Department of Tourism sa pamamagitan ng Tourism Promotions Board of the Philippines.
“It’s important to acknowledge the efforts made by the organizers and local government units to ensure the safety of participants as well as the non-participants, emphasizing that the event was not intended as a race,” paglilinaw pa nito.
Dagdag pa niya walang may gusto ng aksidente at aniya nangyayari ito sa kabila na rin ng ibayong pag-iingat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.