Claimant ng P20.4-M halaga ng shabu timbog sa NAIA
Agad inaresto ng mga tauhan ng PNP – Drug Enforcement Group ang lalaki na kumuha ng P20.4 milyong halaga ng shabu sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon.
Kinilala ang 51-anyos na suspek na si Mohammad Tammy Bagatao, alias Joseph Manasseh Acogido.
Inaresto si Bagatao sa Central Mail Exchange Center (CMEC), Domestic Road, Pasay City ala-5 ng hapon.
Narekober sa kanya ang halos tatlong kilo ng shabu at ibat-ibang IDs.
Itinago pa sa packages ng food supplements ang droga.
Nahaharap siya sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.