Kaugnayan ng mayor sa ni-raid na Tarlac POGO hub huhukayin
Nais ni Senator Sherwin Gatchalian na magsagawa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng malalimang imbestigasyon sa posibleng kaugnayan ni Bamban Mayor Alice Guo sa sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa kanyang bayan kamakailan.
Sinabi ni Gatchalian na may mga nakuha silang dokumento na pinag-ugatan ng suspetsa kay Guo sa kaugnayan nito sa Zun Yuan Technology Inc., kabilang na ang pag-apruba ng Sangguniang Bayan sa aplikasyon noong 2020, kung kailan hindi pa nakaupo si Guo, para sa lisensiya ng Hongsheng Gaming Technology Inc.
“These are damning pieces of evidence that Mayor Guo might be involved in the operation of this POGO facility that is now implicated in various criminal activities. The DILG should look closely into the matter,” ani Gatchalian.
Sa mga sasakyan sa loob ng compound, isang Ford Expedition EL ang nadiskubreng nakarehistro kay Guo.
Bukod pa dito may nadiskubre din na billing statement mula sa Tarlac II Electric Cooperative, Inc. (TARELCO II) na nakapangalan kay Guo.
Naghain na si Gatchalian ng resolusyon para maimbestigahan ang mga sinasabing ilegal na aktibidad sa sinalakay na POGO hub noong Marso 13.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.