Tolentino nabastusan sa pahayag ng China sa Ph resupply mission sa Ayungin Shoal

By Jan Escosio March 25, 2024 - 12:37 PM

Ang panibagong insidente ng paggamit ng water cannon ng Chinese Coast Guard sa West Philippine Sea (WPS). (AFP / INQUIRER PHOTO)

Kinondena ng husto ni Senator Francis Tolentino ang naging pahayag ng Chinese Coast Guard ukol sa isinasagawang resupply ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Tolentino kabastusan na ang naging pahayag ni CCG spokesperson Gan Yu. Unang sinabi ni Gan na nakakagalit ang resupply missions ng Pilipinas sa Ayungin Shoal sa katuwiran niya na paglabag na ito sa sobereniya, karapatan at interes ng China.

Tila panghihiya na ito ng Pilipinas sa China.

Sinabi naman ng namumuno sa Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones, hindi nais ng Pilipinas na ipahiya ang China kundi simpleng pagdadala lamang ng mga pangunahing pangangailangan ang resupply missions sa Ayungin Shoal.

Nagpahayag din ng labis na pagkabahala ang senador sa muling pag-atake ng China sa resupply vessel Unaizah May 4 noong Sabado patungo sa BRP Sierra Madre.

TAGS: ayungin shoal, WPS, ayungin shoal, WPS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.