Ombudsman hugas-kamay sa suspension order sa 23 NFA supervisors

By Jan Escosio March 15, 2024 - 06:56 PM

Tinangkang lokohin? (FILE PHOTO)

Ipinag-utos ng  Office of the Ombudsman (OMB) ang pagbawi sa suspension order sa 23 opisyal at tauhan  ng  National Food Authority (NFA) na kabilang sa 139 unang sinuspindi dahil sa nabunyag na pagbebenta ng rice buffer stocks sa mga negosyante.

Hindi na kinilala ni Ombudsman Samuel Martires ang 23 ngunit aniya ang mga ito ay warehouse supervisors sa Metro Manila, Iloilo, Antique, at Cabanatuan City.

Ngunit aniya magpapatuloy pa rin ang kanilang pag-iimbestiga sa 23.

Naghugas-kamay din si Martires at sinabi na wala silang kasalanan at itinuro ang maling datos na ibinigay sa kanila.

Suspetsa niya may nanloko sa kanila.

Aniya humingi na sila ng kasagutan sa NFA ukol sa maling listahan at ikinatuwiran na ang inakala ang hinihingi ay listahan ng mga miyembro ng Task Force El Niño.

Iniimbestigahan na rin aniya nila ang nagbigay ng listahan sa kanila.

 

TAGS: nfa, ombudsman, nfa, ombudsman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.