Dagdag allowance sa mga guro hinihintay na lang ang pirma ni Marcos

By Jan Escosio March 14, 2024 - 01:09 PM

PHOTO: Sen. Ramon Revilla Jr. STORY: Dagdag allowance sa mga guro hinihintay na lang ang pirma ni Marcos
Sen. Ramon Revilla Jr. —File photo from the Senate Public Relations and Information Bureau

METRO MANILA, Philippines — Tanging pirma na lamang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at magiging batas na ang “Kabalikat sa Pagtuturo Act” na isinusulong ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr.

Ibinahagi ni Revilla na lumusot na ang naturang panukalang-batas sa Bicameral Conference Committee.

“Alam natin na nag-‘evolve’ na ang pagtuturo kung kaya’t dumagdag na rin ang demands na nakaatang sa mga guro para mas epektibong magampanan ang kanilang mga tungkulin. Ang ayaw natin ay yung magiging abonado pa sila. Kailangan na yung gastusin para sa mga instrumento at kagamitan sa pagtuturo, hindi na nila huhugutin sa kanilang sariling bulsa.”

Nagtungo pa sa Senado ang mga organisasyon ng mga guro tulad ng  Alliance of Concerned Teachers (ACT), Teachers Dignity Coalition, at Philippine Public School Teachers Association upang personal na pasalamatan si Revilla, ang namumuno sa Senate Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation.

Anila 16th Congress pa ng ihirit nila ang pagtaas ng kanilang teaching allowance at ngayon ay 19th Congress na.

Ayon pa kay Revilla ito ay pagbibigay pugay at pagpapahalaga sa kadakilaan ng mga guro.

Paliwanag niya, ang P5,000 Teaching Allowance ng mga guro sa kasalukuyan ay madodoble sa P10,000 kapag naisabatas na ang kanyang panukala

 

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., Ramon Revilla Jr, teachers’ allowance, Ferdinand Marcos Jr., Ramon Revilla Jr, teachers’ allowance

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.