Binay: Resort sa Chocolate Hills nakakagalit, nakakadurog ng puso

March 13, 2024 - 09:12 PM

Pagpapaliwanagin sa Senado ang DENR sa pagpayag na magtayo ng resort sa Bohol Chocolate Hills. (INQUIRER PHOTO)

Naghain ng resolusyon si Senator Nancy Binay upang maimbestigahan sa Senado ang pagpapatayo ng mga istraktura sa paligid ng Chocolate Hills sa Bohol.

Inihain ni Binay ang Senate Resolution No. 967 matapos maging viral sa social media ang video ng isang blogger ukol sa naipatayong resort sa gitna ng pamosong tourist atttraction sa Gitnang Visayas.

Binanggit ni Binay na ang Chocolate Hills Natural Monument ay isang protected area ayon sa RA  11038 o ang Expanded National Integrated Protected Areas.

Bukod dito, dagdag pa ng namumuno sa Senate Committee on Tourism, ito ay kinikilala ng UNESCO na Natural Monument at ikatlo sa Pilipinas na idineklarang National Geographic Monument.

Nais nito na maipaliwanag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), maging ng mga lokal na opisyal ang pagpayag na maitayo ang Captain’s Peak Resort sa bayan ng Sagbayan.

Paliwanag pa ni Binay na layon ng kanyang resolusyon at gagawing pagdinig ay maipreserba ang naturang protected area.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.