Sec. Ralph Recto lumusot sa CA, pinuri ng mga senador, kongresista
Walang bahid ng pagdududa sa kakayahan, karunungan at kahusayan ni Secretary Ralph Recto na pamunuan ang Department of Finance (DOF).
Ito ang nagkaisang posisyon ng mga senador at kongresista na bumubuo sa Committee on Finance ng Commission on Appointments (CA).
Isinalang kanina ang ad interim appointment ni Recto sa makapangyarihang komisyon at tumagal lamang ng 40 minuto ang kanyang pagharap sa komite na pinamumunuan ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.
Ayon kay Revilla sa pamumuno ni Recto nakakatiyak siya na nasa mabuting kamay ang DOF.
Aniya kilala si Recto na mabusisi sa mga detalye at palaging iniintindi ang makakabuti para sa lahat.
Binanggit na lamang din ni Recto sa kanyang pambungad na pahayag na target ng administrasyong-Marcos Jr., na makahikayat ng mas maraming mamumuhunan sa pamamagitan ng mga reporma sa pagnenegosyo sa bansa.
“In my mind, the best way to inculcate tax obedience is still to promote ease of payment and to show that taxes efficiently collected are effectively spent,” sabi nito.
Tiniyak din ng kalihim na may mga gagawing hakbang para protektahan sa inflation ang mga konsyumer sa bansa at wala din aniyang pagtaas o panibagong buwis na ipapatupad ngayon taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.