Go idiin ang kritikal na bahagi ng mga barangay sa maayos na pamamahala
Hindi matatawaran ayon kay Senator Christopher Go ang kahalagahan ng mga barangay para sa maayos at mabuting pamamahala ng pambansang gobyerno.
Aniya sa pamamagitan ng mga barangay ay nakakalapit ang gobyerno sa mamamayan.
Kabilang sa napakahalaga aniyang nagagawa ng barangay ay mabigyan ng serbisyong pangkalusugan ang mamamayan.
Sinabi ni Go na bilang namumuno sa Senate Committee on Health, adbokasiya niya ang mapangalagaan ang kalusugan ng bawat Filipino at partikular niyang binanggit ang patuloy na pagbubukas ng Malasakit Center.
Sa ngayon ay mayroon ng 160 Malasakit Centers sa ibat-ibang bahagi ng bansa na nakapaglingkod na sa 10 milyong mahihirap na pasyente.
Sinimulan din ni Go ang pagpapatayo ng Super Health Centers sa bansa at ngayon ay isinusulong niya ang pagkakaroon ng Regional Specialty Hospitals alinsunod sa Republic Act No. 11959 o ang Regional Specialty Centers Act.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.