Pagpapauwi sa 2 Pinoy seafarers minamadali na – PBBM

By Jan Escosio March 11, 2024 - 05:58 AM

Pinakilos na ni Pangulong Marcos Jr., ang ilang ahensiya para sa pagpapauwi ng mga labi ng dalawang nasawing Filipino seamen, gayundin ang 13 nakaligtas.

Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na inatasan niya ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na asikasuhin ang pagpapabalik ng mga labi ng dalawang Filipino seafarers na namatay sa pag-atake ng Houthi rebels sa Yemen.

“I join the nation in offering our deepest sympathies to the families of the two Filipino seafarers who perished in the Houthi attack on True Confidence. The government is in constant contact with their families, and we will spare no effort in bringing their remains home,” ani Marcos.

Aniya may 13 Filipino seafarers ang nakaligtas sa insidente at ang pagbabalik nila sa bansa ay inaasikaso na ng Embahada ng Pilipinas sa Cairo, Egypt.

Inatasan ng pangulo ang Department of Foreign Affairs (DFA), ang Department of Migrant Workers (DMW), ang Department of Health (DOH) at ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na ibigay ang lahat ng tulong sa naulilang pamilya ng mga nasawing seafarers.

Magugunita na ang  Barbados-flagged bulk carrier M/V True Confidence ay inatake ng Houthis rebels gamit ang missiles noong hapon ng Marso 6 sa Gulf of Aden.

May karga itong mga bakal at trucks mula sa China at patungo sa Jeddah, Saudi Arabia at Aqaba, Jordan nang mangyari ang pag-atake.

 

TAGS: DFA, Filipino Seafarers, DFA, Filipino Seafarers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.