Villanueva isinusulong solusyon sa ‘job-skills mismatch issue’

By Jan Escosio March 08, 2024 - 07:33 AM

Sinabi ni Sen. Joel Villanueva na nakakadagdag pa ang “job-skills mismatch” sa isyu ng unemployment at underemployent sa bansa.(OSMLJV PHOTO)

Inisponsoran ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang panukalang batas na sa kanyang palagay ang magiging solusyon sa isyu ng “job-skills mismatch” sa bansa.

Sinabi ni Villanueva na sa pamamagitan ng Senate Bill 2587 o ang Enterprise-Based Education and Training (EBET) Framework Act mapapag-isa ang lahat ng enterprise-based education at training programs.

Binanggit ng senador na base sa 2023 preliminary report ng Philippine Statistics Authority (PSA), nakadadagdag pa ang “job-skills mismatch” sa unemployment rate (4.3%) at 12.3% naman sa underemployment rate sa bansa.

Diin niya ang EBET ang magsisilbing tulay ng mga naghahanap ng mga trabaho sa mga negosyo na nangangailangan naman ng mga empleado o manggagawa.

Naniniwala din si Villanueva na sa pamamagitan ng panukalang-batas ay mas magiging aktibo ang pribadong sektor sa kanilang partisipasyon sa mga hakbangin para bigyan solusyon ang isyu.

Aniya mas magiging epektibo na ang mga negosyo sa pagtukoy, pagbibigay prayoridad hanggang sa pagpapa-unlad pa ng kuwalipikasyon at kakayahan ng kanilang mga manggagawa o empleado.

 

TAGS: employment, jobs-education mismatch, employment, jobs-education mismatch

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.