Pinsala sa agrikultura dahil sa El Niño higit P1-B na – NDRRMC
Humigit na sa P1 bilyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dulot ng epekto ng El Niño, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa update mula sa ahensiya, apektado na ng El Niño ang 17,718 ektarya ng taniman sa Ilocos, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, at Zamboanga Peninsula.
Sa Western Visayas ang pinakamataas na halaga ng pinsala sa halagang P687.7 milyon, kasunod ang Mimaropa sa P319.7 milyon, Ilocos may P54.4 million, Calabarzon na may P2.75 milyon, at Zamboanga Peninsula na may P717,527.
Kabuuang 23,086 magsasaka at mangingisda naman ang apektado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.