Tinupok ng apoy ang branch ng Bank of the Philippine Islands sa Greenbelt Cinema na matatagpuan sa Greenbelt Square Complex, Paseo de Roxas Makati City.
Nagsimula ang sunog alas 9:11 ng umaga sa loob ng nasabing sangay ng BPI.
Alas 9:25 ng umaga nang itaas sa 1st alarm ang sunog.
Nahirapan ang mga bumbero na pumasok sa loob ng BPI dahil bagaman hindi malakas ang apoy ay napaka-kapal ng usok na lumalabas mula dito.
Inaalam pa ng Makati Bureau of Fire kung ano ang pinagmulan ng apoy at ang halaga ng pinsalang naidulot ng sunog.
Sunog sa BPI Greenbelt Cinema Branch | video from Jomar Piquero pic.twitter.com/pTmD9X1E1d
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 4, 2016
WATCH: 9:25AM nang itaas sa 1st alarm ang sunog, hirap ang bumbero na pumasok dahil sa makapal na usok | @JEPOI04 pic.twitter.com/nVgiVpjIci
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 4, 2016
WATCH: Sitwasyon sa sunog sa BPI Greenbelt Cineme Branch | @JEPOI04 pic.twitter.com/rYUqGcOhnu
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 4, 2016
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.