Pagpapasara ng parke, health centers sa “EMBO” barangays pinuna ng Taguig LGU

By Jan Escosio March 03, 2024 - 08:54 AM

TAGUIG CITY LGU FACEBOOK PHOTO

Naging mabigat na ang mga pahayag ng pamalaang-lungsod ng Taguig nang ipasara ang mga parke at health centers sa “EMBO” barangays, bukod sa pagtangay ng mga ambulansiya.

Ipinaalala ng Taguig City na may pinal na desisyon na ang Korte Suprema hinggil sa hurisdiksyon ng “EMBO” barangays matapos ang mahigit tatlong dekada na pamamahala ng pamahalaang-lungsod ng Makati.

“Walang kredibilidad ang Makati na magkunwaring ninanakawan sila ng lupa at pasilidad gayong sila ang nahusgahang nangamkam ng teritoryo ng Taguig. Ipinagmamalaki ng Makati na ang mga naturang pasilidad ay ipinundar ng Makati. Pero hindi binabanggit ng Makati na mahigit tatlong dekada silang ilegal na kumulekta ng mga buwis sa lupain at negosyo sa EMBO, mga pondo na dapat ay sa Taguig napunta,” pahayag ng Taguig City.

Kasabay naman nito ang apila kay Makati City Mayor Abby Binay na ipaubaya na sa Taguig City ang maayos na pamamahala sa mga 10 barangay.

“Para sa taga-EMBO ang mga health centers at ambulansya. Hindi ito dapat basta ipasara o tangayin. Para saan ang pag-iyak dahil daw sa mahal niya ang mga taga-EMBO kung nakukuha nya namang tiisin at pabayaang kalawangin, magkaagiw at mabulok na lang ang mga pasilidad kesa ipagamit para sa kagalingan ng minamahal niya daw na taga-EMBO? Anong klaseng pagmamahal ito?,” dagdag pa sa pahayag ng Taguig City.

Kaugnay nito, inanunsiyo ng Tgauig City na nakapagpatayo na ng health center sa Southside, botika sa East Rembo at West Rembo, at assistance center sa Pembo.

Naumpisahan na rin ang  telemedicine at shuttle service para dalhin ang mga pasyente sa mga PhilHealth-accredited health centers ng Taguig.

Bukod dito bukas sa mga residente ng “EMBO” barangays ang  Taguig Pateros District Hospital (TPDH), 31 health centers, tatlong super health centers, pitong primary care facilities, Dialysis Center, 5 Animal Bite Treatment Center, tatlong main laboratories, 29 community-based laboratories, at partnership with Medical Center Taguig at St. Luke’s BGC.

 

TAGS: makati city, Taguig City, makati city, Taguig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.