Pulis na napawalang-sala sa Jemboy slay-case hindi automatic balik-duty

By Jan Escosio March 01, 2024 - 09:13 PM

INQUIRER PHOTO

Hindi awtomatikong balik sa serbisyo ang pulis-Navotas na napawalang sala sa kaso ng pagpatay sa 17-anyos na si Jemboy Baltazar.

Ito ang nilinaw ni PNP spokesperson, Col. Jean Fajardo sa katuwiran na tanging sa kasong kriminal lamang naabsuwelto si SSgt. Antonio Bugayong at nahaharap ito sa ilang kasong administratibo.

“Ito naman administrative case na isinampa sa kanila ay for grave misconduct, serious irregularity in the performance of duty, conduct unbecoming, iba yung ebidensya iprinisent sa kanila,” ani Fajardo.

Una nang iniapila ng anim na pulis ang pagkakasibak nila sa serbisyo noong Nobyembre.

Paliwanag ni Fajardo may proseso para makabalik sa serbisyo ang isang nasibak na pulis na nilitis at napawalang-sala sa korte.

Gayundin, maari din kontrahin ito ng pamilya ng biktima.

 

 

TAGS: acquitted, reinstatement, acquitted, reinstatement

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.