Pangulong Marcos Jr: Hindi isusuko ang teritoryo ng Pilipinas

By Jan Escosio February 29, 2024 - 02:29 PM

Si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa harap ng mga miyembro ng Parliament of Australia. (PCO PHOTO)

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na hindi isusuko ang anumang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas sa kahit anong bansa.

“I shall never tire of repeating the declaration that I made from the first day that I took office: I will not allow any attempt by any foreign power to take even one square inch of our sovereign territory,” sabi ni Marcos sa kanyang talumpati sa Parliament of Australia ngayon araw.

Naging bahagi ng kanyang talumpati na ang Pilipinas ay nasa “frontline” sa lahat ng hakbangin na gagambala sa kapayapaan, katatagan at pag-unlad sa rehiyon.

“Then as now, we remain firm in defending our sovereignty, our sovereign rights, our jurisdiction. The challenges that we face may be formidable, but equally formidable is our resolve. We will not yield,” ang matigas na pahayag ng Punong Ehekutibo.

Napakahalaga aniya na mabigyang proteksyon ang South China Sea kayat nanawagan siya sa Australia na aktibong makilahok sa pagharap sa lahat ng mga hamon sa rehiyon.

 

TAGS: peace, South China Sea, peace, South China Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.