LPA binabantayan ng PAGASA sa Sorsogon; isang bagyo papasok sa PAR bukas

By Dona Dominguez-Cargullo July 04, 2016 - 06:45 AM

July 4 PAGASAIsang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Sorsogon.

Sa weather forecast ng PAGASA, ang LPA ay huling namataan sa 5 km East ng Sorsogon City.

Nakapaloob ito sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at naka-aapekto sa Southern Luzon at Visayas.

Hindi naman na inaasahang lalakas pa ang LPA at maaring malusaw sa susunod na 24 oras.

Samantala, isang Tropical Storm naman na may international name na Nepartak ang nakatakdang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas.

Sa ngayon taglay ng nasabing bagyo ang lakas ng hangin aabot sa 65kph at pagbugsong aabot sa 80kph.

Huli itong namataan sa1,995 km East ng Visayas at kumikilos sa direksyong Northwest sa bilis na 7kph.

Papangalanan itong Butchoy sa sandaling makapasok ng bansa.

Ngayong araw, inaasahang makararanas ng maulap na papawirin na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Visayas, at ang mga rehiyon ng MIMAROPA, Bicol, Caraga, Davao at ang lalawigan ng Quezon.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na may kasamang isolated rainshowers ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

 

 

TAGS: Tropical Storm Nepartak to enter PAR tomorrow, Tropical Storm Nepartak to enter PAR tomorrow

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.