Gilas Pilipinas nagrehistro ng 106-53 blowout vs Chinese Taipei
Hindi binigo ng Gilas Pilipinas ang Filipino fans na nagtungo sa PhilSports Arena sa Pasig City para panoorin ang kanilang laban kontra Chinese Taipei sa kanilang ikalawang laro sa FIBA Asia Cup Qualifiers.
Sa kanilang ikalawang laro sa ilalim ni coach Tim Cone naitakas ng Gilas ang 106-53 panalo para sa 2-0 record sa Group B.
Humakot ng 26 puntos, 13 rebounds, 5 assists at isang steal si Justin Brownlee sa kanyang unang laro sa harap ng Filipino fans makalipas ang 10 buwan.
Sa kanyang 23 minutong paglalaro, naitala naman ni Kai Sotto ang kanyang Gilas career-high na 18 puntos, 14 sa unang 20 minuto ng laro at humakot din siya ng 10 rebounds.
Nakasabay pa ang mga bisita sa mga unang minuto ng unang yugto ng laban bago nagsimulang uminit ang Gilas para sa 26-13 first quarter lead.
Sa second quarter ay dahan-dahan na nilang pinalobo ang kalamangan para sa 52-23 halftime score.
Si Calvin Oftana ay nakakolekta ng 13 puntos, 12 naman kay Dwight Ramos, 11 kay Carl Tamayo at 10 kay Kevin Quiambao,
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.