5-year old energy system hindi pa 100% ang pagkasa – Gatchalian
Sinabi ni Senator Win Gatchalian na hindi napapakinabangan ng bansa ang Energy Virtual One-Stop Shop (EVOSS) system dahil hindi ito lubos na naipapatupad.
Ani Gatchalian malaking tulong ang naturang sistema upang mapababa ang halaga ng enerhiya.
Bukod dito sabi pa ni Gatchalian magagamit din ang sistema kung lubos na naipapatupad sa pagkuha ng mga karagdagang mamumuhunan sa renewable energy (RE) sector.
Binanggit ng senador na simula noong 2019 hanggang noong nakaraang Nobyembre, 85 porsiyento pa lang na naipapatupad ang EVOSS system base sa impormasyon mula sa Department of Energy (DOE).
Nanawagan din si Gatchalian na kung maari ay pamadaliin pa para sa mga mamumuhunan sa renewable energy market ang mga proseso sa pagsasabing kailangan pa na kumuha ng 167 permits bagamat aniya mula ito sa dating 250 permits.
Napakahalaga sabi pa ng awtor ng EVOSS system na mapaunlad sa bansa ang renewable energy sector dahil mas mura ang halaga ng enerhiya kumpara sa diesel, nuclear, biogas at basura.
\“Kapag lubos na ang pagpapatupad ng EVOSS, magiging mas mabilis na ang proseso para makapasok sa bansa ang mga mamumuhunan para sa mga proyektong pang enerhiya. Makikinabang din dito nang husto ang mga konsyumer at lalago ang ekonomiya ng bansa,” aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.