Zaldy Ampatuan, pinayagang bisitahin ang ama

July 15, 2015 - 05:25 PM

andal and zaldyPinayagan ng korte si Zaldy Ampatuan na bisitahin ang comatose nitong ama na si dating Maguindanao Governnor Andal Ampatuan Sr.

Pinagbigyan ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Quezon City RTC Branch 221 ang mosyon ni Ampatuan pero may kundisyon.

Nais ni Zaldy na magbigay-respeto sa ama habang may oras pa na gawin niya ito.

Samantala, bukod kay Zaldy, pinayagan na rin ng hukuman ngayong hapon ang iba pang detenidong miyembro ng pamilya Ampatuan na bisitahin ang matandang Ampatuan.

Dalawang oras maaring bumisita kay Andal Sr. sina Datu Akmad “Tatu” Ampatuan, Datu Anwar Ampatuan Sr. at Datu Anwar “Ipi” Ampatuan.

Ayon sa korte, hindi dapat lumampas sa dalawang oras ang pagbisita ng mga anak at bahala ang BJMP kung kailan sila dadalhin mula sa kanilang kulungan sa Camp Bagong Diwa papuntang National Kidney and Transplant Institute kung saan naka-confine ang kanilang ama.

Una ng sinabi sa Radyo Inquirer ni Atty. Salvador Panelo na nasa ‘comatose’ stage na ang dating gobernador ng Maguindanao at umano’y utak ng Maguindanao massacre na si Andal Sr. matapos ang isang massive heart attack.

Inilipat aniya si Andal Sr. sa Intensive Care Unit ng NKTI kung saan siya naka-confine dahil sa liver cancer.

Una nang bumisita si Datu Unsay Andal Ampatuan Jr, Martes ng hapon at naging emosyonal ito nang makita ang ama. Sinabi ni panelo na umiyak si Ampatuan Jr., niyakap at kinausap niya ang ama.

Bago aniya ma-comatose ay nasabi ni Ampatuan Sr. na gusto niyang gumaling para maka-testigo sa korte. – Jong Manlapaz/Len Montaño

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.