Sobrang singil ngayon Pebrero isosoli ng Meralco
Inanunsiyo ng Manila Electric Company (Meralco) ang refund sa ‘generation charge overbilling’ ngayon Pebrero.
Sinabi ni Meralco Vice President Joe Zaldarriaga ang sobrang masisingil ay kanilang isosoli sa March billing.
Ang hakbang ay bunsod ng pagpuna ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa pagpasa ng Meralco sa kanilang kustomer ng sa singil ng kanilang power suppliers na gumagamit ng liquified natural gas (LNG), gayundin ang nagmula sa Malampaya gas.
Nilinaw naman ni Zaldarriaga na bahagi lang ng nadagdag na P05738 per kiloWatt hour ang kanilang ire-refund.
Kamakalawa, sinabi ng ERC na kailangan ay humingi muna ng permiso ang Meralco bago ipasa sa kanilang kustomer ang halaga ng nakuhang suplay ng kuryente mula sa mga planta na gumagamit ng LNG.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.