Bagyong ‘Nepartak’, magiging si ‘Butchoy’ sa Martes

By Jay Dones July 04, 2016 - 02:50 AM

 

Mula sa pagasa

Bagama’t mababa na ang tsansang mag-landfall, makakaasa pa rin ng maulan na panahon ang mga residente sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas resulta ng paglapit sa bansa ng bagyong Nepartak.

Ang naturang bagyo ay inaasahang papasok sa Philippine Area of responsibility sa Martes, at tatawagin nang bagyong ‘Butchoy’.

Ayon sa pinakahuling pagtaya ng PAGASA, namataan ang bagyo 2,000 kilometro ang layo sa silangan ng Mindanao.

Tatahakin ng bagyo ang northwest direction at lalapit lamang ng hanggang isanlibong kilometro sa silangan ng Luzon hanggang Byernes.

Kahit hindi tatama sa lupa, palalakasin ng bagyo ang southwest monsoon at magdudulot ng mga pag-ulan sa western Luzon, kabilang na ang Metro Manila at western Visayas sa mga susunod na araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.