Senators inalmahan paggamit ng DSWD aid program sa people’s initiative

By Jan Escosio February 13, 2024 - 03:48 PM

JAN ESCOSIO PHOTO

Kinuwestiyon ng maraming senador ang nabunyag na paggamit ng isang aid program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagsusulong ng people’s initiative (PI).

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Committee on Electoral Reforms ukol sa kontrobersyal na PI, pinuna ni Sen. Imee Marcos, paglobo ng husto ng pondo para sa Ayuda sa Kapos sa Kita Program o AKAP.

Ayon kay Marcos unang beses lamang niya na nalaman ang naturang programa at nagulat siya na napaglaanan ito ng P26.7 bilyon ngayon taon.

At nangilabot siya nang malaman na ang pagpapatupad ng programa ay kinakailangan na dumaan sa tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez.

Magugunita na si Marcos din ang unang nagbunyag ng paglalaan ng P20 milyon sa bawat legislative districts na makakapagbigay ng maraming bilang ng pirma para sa PI.

Ang pondo ay huhugutin sa mga assistance programs ng DSWD, gayundin ng Department of Health (DOH) at Department of Labor and Employment (DOLE).

Nabatid na ang mga benepisaryong manggagawa ng AKAP ay tatanggap ng P5,000.

Bukod kay Marcos, kinuwestiyon din ni Deputy Majority Leader JV Ejercito si Social Welfare Usec. Fatima Aliah Dimaporo ang tunay na layon ng programa at tinanong kung ang AKAP ay sa pagitan lamang ng kagawaran at Kamara.

Pag-amin ni Dimaporo na bago para sa kanila ang programa at masasabing malabo mga ang guidelines sa pagpapatupad nito.

TAGS: Assistance, dswd, Imee Marcos, JV Ejercito, Assistance, dswd, Imee Marcos, JV Ejercito

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.