Isa na namang umano’y tulak ng droga, patay sa buy-bust ops sa Maynila

By Jong Manlapaz July 04, 2016 - 02:46 AM

 

police-line1Patay ang isang hinihinalang tulak ng bawal na gamot sa isinagawang drug buy bust operation ng Manila Police District mga otoridad sa Delpan Island, Brgy. 286, Zone 26, Binondo, Maynila.

Kinilala ang suspek na agad na binawian ng buhay na si Ogie Sumage alyas “Taiwanese”, matapos manlaban sa mga miyembro MPD.

Ayon sa police asset na si PO2 Osmond Pring, pagpasok pa lamang nila sa loob ng bahay ng suspek, agad na silang binaril ng suspek na tumama sa suot nyang vest.

Gumanti naman ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa pagkamatay ng naturang suspek.

Hinala ng otoridad natunugan ng suspek na isang pulis si Pring na nagpanggap na bibili ng droga kayat nanlaban ito.

Nakakuha naman ang MPD sa crime scene ang 6 na sachet ng hinihinalang shabu na may street value na apat na libong piso at isang 45 kalibre ng baril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.