Ejercito sinabing hindi dapat madaliin ang “economic Cha-cha”

By Jan Escosio February 13, 2024 - 11:58 AM

SENATE PRIB PHOTO

Hindi simple bagkus komplikado ang pag-amyenda sa tatlong economic provisions ng 1987 Constitution, ayon kay Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito. Sa ikalawang pagdinig sa Resolution of Both Houses No. 6, sinabi ni Ejercito na napakahirap ang pagbawi sa anumang pag-amyendang gagawin sa Saligang Batas. Aniya mahalaga na pakinggang mabuti ang posisyon at opinyon ng mga iniimbitahang resource persons at pag-aralan ng husto ang maaring maging epekto ng gagawing pagbabago sa Konstitusyon. Binanggit niya na naging mabusisi ang pagpasa sa Public Services Act at ikinunsidera na ang mga Filipino ang lubos na makikinabang sa pagpapabuti ng imprastraktura at utilities sa bansa. Dagdag pa niya na ikunsidera na bigyan ng lubos na pagkakataon at Public-Private Partnership Act sa pagpapa-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas bago pa galawin ang Saligang Batas.

TAGS: Cha-Cha, JV Ejercito, Cha-Cha, JV Ejercito

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.