Pangulong Marcos Jr. pinarangalan ang apat na tauhan ng Army

By Jan Escosio February 12, 2024 - 08:52 PM

PCO PHOTO

Ginawaran ni Pangulong Marcos Jr., ng mga natatanging medalya ang apat na tauhan ng Philippine Army (PA) dahil sa kabayanihan sa paglaban sa mga miyembro ng teroristang grupong  Dawlah Islamiyah-Maute Group na sangkot sa pagpapasabog sa  Mindanao State University-Marawi noong nakaraang Disyembre.

Nabatid na Gold Cross Medal, Military Merit Medal with Bronze Spearhead Device, at Wounded Personnel Medal ang iginawad ni Pangulong Marcos Jr., sa mga sugatang sundalo.

Bukod dito, 12 sundalo ang biniyayaan din ng Punong Ehekutibo ng tulong pinansiyal nang dalawin niya ang mga ito sa Army General Hospital sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Kinilala ng pangulo ang tapang at dedikasyon ng mga sundalo sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin.

Kasama ni Pangulong Marcos Jr., sa pagdalaw sa mga sugatang sundalo sina Defense Sec.  Gilberto Teodoro Jr.; Special Assistant to the President Antonio Lagdameo, AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., at Philippine Army (PA) Commanding General, Lt. Gen. Roy Galido.

TAGS: Bombing, msu, PA, sugatan, sundalo, Bombing, msu, PA, sugatan, sundalo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.