Bilang ng nasawi sa Maco landslide lumubo sa 55, 63 nawawala
Kasunod nang pagkakatagpo na ng isa sa tatlong pampasaherong bus na natabunan ng tone-toneladang lupa, umakyat na sa 55 ang bilang ng kumpirmadong nasawi sa landslide sa Barangay Masara sa Maco, Davao de Oro.
Bukod dito may 63 pa ang napa-ulat na nawawala at 32 naman ang nailigtas ngunit pawang sugatan.
Kabilang sa mga nawawala, ayon sa pamahalaang-panglalawigan, ay mga minero na pauwi na sana nang mangyari ang pagguho ng lupa.
Nabatid na sa ngayon ay sinimulan na ang pagkasa ng “search, rescue & retrieval operations” ng ibat-ibang rescue groups.
Malaking hamon sa paghahanap ang masamang panahon at pangamba na maulit ang lanslides.
May higit 1,000 pamilya na ang inilikas at nanunuluyan sa evacuation centers simula nang mangyari ang trahedya noong Pebrero 5.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.