Sen. Nancy Binay duda na sagot sa kahirapan ang “economic Cha-cha”

By Jan Escosio February 12, 2024 - 11:05 AM

FILE PHOTO

Nagpahayag ng kanyang pagdududa si Senator Nancy Binay na solusyon sa mga problema sa ekonomiya ang isinusulong na “economic Charter change o Cha-cha.”

Kuwestiyonable pa kay Binay ang sinasabing ang pag-amyenda sa Saligang Batas ang magpapababa ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

“Hindi ito magic solution na kapag napasa, mawawala na lahat ng problema natin o okay na ang ekonomiya ng ating bansa. And I think baka kailangan namin din, isa yan sa kailangang ibahagi din sa mga kababayan na kumbaga hindi lang ito ang solusyon,” pagpupunto ng senadora.

Aniya sa mga nagaganap na diskusyon ukol sa pagbabago sa 1987 Constitution, unang isyu ng mamamayan ay ang mataas na presyo ng mga bilihin kayat nangangamba siya na magbigay lamang ito ng maling pag-asa.

“And then ‘di ba, parang kasi dito sa gagawin naming proseso, baka din false hope sa ating mga kababayan na kumbaga kapag binoto nila ito sa plebisito, after one month okay na, bababa na ang presyo ng bigas, or bababa na ang presyo ng krudo, or maaayos na ang problema natin sa kuryente. Pero hindi ganun ang mangyayari,” sabi pa nito.

Hinimok na lamang din ni Binay  ang publiko na ikunsidera na ang pag-amyenda sa ilang probisyong pang-ekonomiya sa Saligang Batas ay hindi ang tanging solusyon sa mga hamon na kinahaharap ng bansa.

Gayundin ang mga kapwa niya mga mambabatas na himayin muna ng husto ang lahat nga diskusyon bago magdesisyon.

TAGS: Cha-Cha, Nancy Binay, Senate, Cha-Cha, Nancy Binay, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.