Maraming Pinoy bilib sa diskarte ni PBBM Jr., sa pamamahala

By Jan Escosio February 05, 2024 - 02:05 PM

OP ;PHOTO

Halos anim sa bawat 10 Filipino ang nasisiyahan sa istilo ng pamamahala ni Pangulong Marcos Jr.

Sa resulta ng “Tugon sa Masa” survey ng OCTA Research na isinagawa noong nakaraang Disyembre, 59 porsiyento ang nagsabi na nasisiyahan sila sa pagpapatakbo ng gobyerno sa gobyerno.

May 14 porsiyento ang hindi nasisiyahan, samantalang 24 porsiyento naman ang nagsabing hindi sila sigurado at dalawang porsiyento ang hindi alam ang isasagot.

Tumaas ng tatlong porsiyento ang bilang ng nagsabi na sila ay nasisiyahan sa diskarte ni Marcos kumpara sa naitalang 56 porsiyento noong Oktubre 2023.

Ang pagtaas ng tatlong puntos ang pinakamataas sa performance rating ng gobyerno simula noong Oktubre 2022.

Nabatid na 71 porsiyento ng respondents sa Metro Manila at Visayas ang nasisiyahan kay Marcos, 56 at 53 porsiyento naman sa Mindanao at Balance Luzon.

 

 

 

TAGS: OCTA, PBBM, performance, rating, survey, OCTA, PBBM, performance, rating, survey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.