Poe sinabing nakakabahala ang pag-atake sa gov’t websites, emails

By Jan Escosio February 05, 2024 - 10:50 AM

INQUIRER PHOTO

Naalarma si Senator Grace Poe sa panibagong mga pagtatangka ng cyber criminals sa ilang websites ng gobyerno.

Patunay lamang, sabi ni Poe, na nagpapatuloy at tumindi pa ang cyber attacks.

Mabuti na lamang aniya at agad nakakilos ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pagtatangka.

Kayat aniya dapat ay pinagtitibay pa ng mga ahensiya ang kanilang proteksyon laban sa cyber attacks dahil banta ito sa kanilang seguridad.

Higit dito ay dapat protektahan ang datos ng mamamayan na ipinagkatiwala sa mga ahensiya.

Ibinahagi ng DICT na naagapan nila ang pagtatangkang pag-hack sa website at email addresses ng ilang ahensya ng gobyerno ng mga umano’y China-based cybercriminals.

TAGS: cyber attacks, dict, grace poe, cyber attacks, dict, grace poe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.