Matapos ang 2 pagsabog, mga Pinoy sa Baghdad pinag-iingat

By Isa Avendaño-Umali July 03, 2016 - 04:34 PM

baghdad explosionPinayuhan ng Philippine Embassy ang mga Pilipino sa Iraq na manatiling vigilante o mapagmatyag, kasunod ng dalawang kaso ng pambobomba sa Baghdad.

Sa isang statement, sinabi ni Iraq Charge D’ Affaires Elmer Cato na kailangang maging maingat ang mga Pilipino dahil posible ang mga bagong pag-atake lalo’t patapos na ang Ramadan.

Ayon kay Cato, hindi lamang sa Baghdad maaaring magkaroon ng mga pag-atake kundi sa iba pang parte ng Iraq, kaya mainam aniyang i-restrict iwasan muna ng mga kababayan sa Iraq ang pagpunta sa mga pampublikong lugar.

Hinimok naman ni Cato ang mga Pilipino na makipag-ugnayan sa embahada.

Batay sa ulat, ilang dosenang indibidwal ang nasawi at nasugatan sa twin bombing sa Baghdad, na inaako ng Islamic State.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.