Daycare centers sa EMBO barangays hinubaran ng Makati LGU
By Jan Escosio February 01, 2024 - 02:57 PM
Inalmahan ng pamahalaang-lungsod ng Taguig ang pagpapasara ng Makati City government sa daycare centers sa EMBO barangays.
Sa inilabas na pahayag ng Taguig LGU, walang abiso ang pagpapasara sa daycare centers, hinakot ang mga gamit at maging ang mga kagamitan sa playground ay inalis din.
Ngunit tiniyak ng Taguig LGU na makakapag-aral pa rin simula sa Pebrero 5 ang mga mag-aaral dahil nagtalaga sa pinakamalapit na public elementary school ng pansamantalang silid-paaralan ng mga batang mag-aaral.
Inanunsiyo din na kung kakailanganin ng shuttle service para sa pagpasok ng mga mag-aaral ay nagtalaga din ang Taguig LGU. Kasabay nito, inihahanda na ang mga bagong daycare centers at isinasabay na ang paglalagay ng mga bagong kagamitan. Bukod dito ay handa na rin ang mga guro at teacher aides sa pagtuturo sa mga bata. Tiniyak ni Taguig City Mayor Lani Cayetano at mga lokal na opisyal na hindi niya hahayaan na mangyayari ang balak ng Makati City na maperwisyo ang pag-aaral ng mga batang Taguigeño sa EMBO barangays.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.