Presidente Duterte, mag-iisyu ng EO para sa FOI, AO para sa media killings

By Isa Avendaño-Umali July 03, 2016 - 03:58 PM

Pres. Duterte2Nakatakdang maglabas ng Executive Order o EO si Presidente Rodrigo Duterte para sa Freedom of Information o FOI.

Ayon kay Presidential Communications Operations Secretary Martin Andanar, inaayos o pina-fine tune na ang draft para sa EO sa FOI at posibleng mailabas na ito anumang araw ngayon o sa susunod na linggo.

Sinabi ni Andanar na ito ay bilang pagtugon ni Pangulong Duterte sa kanyang campaign promise na ang unang EO na kanyang ilalabas ay para sa implementasyon ng mahahalagang probisyon ng FOI.

Pangunahing layon ng FOI ay magbigay sa publiko ng access sa mga document at transaksyon ng gobyerno.

Noong 16th Congress, nakapasa sa Senado ang FOI pero naupuan naman sa Kamara.

Bukod naman sa EO para sa FOI, kinumpirma ni Andanar na mag-iisyu rin si Pangulong Duterte ng Administrative Order para sa Task Force laban sa Media Killings.

TAGS: FOI, Rodrigo Duterte, FOI, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.