Senado kikilos para sa “economic Cha-cha”

By Jan Escosio January 31, 2024 - 07:06 PM

SENATE PRIB PHOTO

Tiniyak ni Senate President Juan Miguel Zubiri na matutuloy ang pagbuo ng sub-committee para matalakay ang pag-amyenda sa tatlong economic provisions sa 1987 Constitution.

Naunang inihayag ni Zubiri na ang mabubuong sub-committee, na maaring pamunuan ni Sen. Sonny Angara, ang kikilos para umusad ang inihain niyang Resolution of Both Houses No. 6.

Nakasaad sa resolusyon na ang tanging maaring amyendahan ay ang Section 11 ng Article XII o ang National Patrimony and Economy; Paragraph 2, Section 4  ng Article XIV o ang Education, Science and Technology, Arts, Culture, and Sports; at ang Paragraph 2, Section 11 ng Article XVI o ang General Provisions.

Kasabay nito ang anunsiyo ni Zubiri na titigil muna ang pamunuan ng Senado sa pagbibigay ng komento sa kontrobersiyal na people’s initiative (PI).

Aniya pagtutuunan na nila ng pansin ang mga nakabinbing panukalang-batas sa katuwiran na mahalaga na asikasuhin ang kapakanan ng bayan at ng mamamayan.

Dagdag pa niya na hindi makakabuti ang mga bangayan sa ekonomiya at sa bagong henerasyon.

“Let’s work together and move forward from this PI issue and let’s start helping the people who are in need the most, dun sa kanilang economic issue, yung gutom na nararamdaman nila, kawalan ng trabaho, pagdadag ng sweldo. Yan na muna siguro ang tututukan namin ngayon bilang Senado,” ayon pa kay Zubiri.

 

TAGS: Cha-Cha, economy, Migz Zubiri, Cha-Cha, economy, Migz Zubiri

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.