Umabot na sa P1.2 trilyon ang nautang ng administrasyon sa unang taon sa posisyon ni Pangulong Marcos Jr.
Sa datos mula sa Bureau of Treasury (BOT), sa pagtatapos ng 2023 umabot na sa P14.616 trilyon ang utang ng Pilipinas.
Ito ay siyam na porsiyento o P1.197 trilyon na mas mataas kumpara sa P13.419 trilyon noong 2022.
Nabatid na bukod pa ito sa nautang na P612.2 bilyon sa unang anim na buwan ng kasalukuyang administrasyon.
At sa kabuuang halaga ng utang ng gobyerno, 68.5 porsiyento ay domestic debt at 31.5 percent naman ang panlabas na utang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.