44 legislative districts hindi nagsumite ng mga pirma para sa Cha-cha

By Jan Escosio January 30, 2024 - 08:12 AM

SENATE PRIB PHOTO

Sinaluduhan ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang 44 legislative districts na tinutulan ang people’s iniative o PI para sa pag-amyenda sa Saligang Batas.

Kapuna-puna na marami sa mga distrito ay maituturing na balwarte ng maraming senador, na labis ang pagtutol sa signature campaign.

Kabilang dito ang Marikina City, na teritoryo ni Senate Minority Leader Koko Pimentel III; ang Valenzuela City ni Sen. Sherwin Gatchalian; ang Las Pinas City nina Sens. Cynthia at Mark Villar; Malabon City ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda; San Juan City nina Sens. Grace Poe, JV Ejercito at Jinggoy Estrada.

Gayundin sa Taguig City nina Sens. Alan Peter Cayetano at Pia Cayetano; Ilocos Norte na balwarte ni Sen. Imee Marcos, maging sa Bulacan na teritoryo ni Majority Leader Joel Villanueva at ilan din sa Region 10, na maituturing na balwarte ni Zubiri.

Nabanggit din Zubiri ang Maynila, Sta. Rosa City sa Laguna; at ikatlong distrito ng Cavite.

 

 

TAGS: Cha-Cha, Juan Miguel Zubiri, Senate, Cha-Cha, Juan Miguel Zubiri, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.