Pagkukulay ng pulitika sa “Bagong Pilipinas” itinanggi ni Pangulong Marcos Jr.

By Jan Escosio January 29, 2024 - 10:19 AM

PCO PHOTO

Sa harap ng tinatayang 200,000 katao kahapon sa Quirino Grandstand, sinabi ni Pangulong Marcos Jr., na walang pangsariling-agenda ang “Bagong Pilipinas.”

“Bagong Pilipinas is not a new partisan coalition in disguise. It is a set of ideals that all us Filipinos, regardless of political creed or religion or wealth, can coalesce around. Bagong Pilipinas transcends this administration. To those whose overheated imagination has been poisoned by toxic politics, Bagong Pilipinas is no Trojan Horse. It conceals no agenda,” sabi ni Pangulong Marcos Jr.

Aniya ang “Bagong Pilipinas” ay para sa maayos na pagsisilbi sa taumbayan.

Sinabi pa niya na marami sa ating mga kababayan ang tunay na nagsusumikap at nagmamalasakit para mapatunayan na mapapagtagumpayan ang mga hamon at kawalan  ng pag-asa.

“Sila ang nagpapawalang bisa sa mga maling haka-haka at paniniwala. Ang mga nababanggit ko, mga bayani, ang patunay na kahit gaano kahirap ang hadlang, kaya nating umunlad at magwagi,” sabi pa ng Punong Ehekutibo.

TAGS: PBBM, Pilipinas, PBBM, Pilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.