Isang tropical depression, inaasahang papasok sa PAR sa Martes
Isang tropical depression ang namataan sa silangan ng Mindanao, at inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility o PAR sa Martes (July 05).
Ayon sa PAGASA, sa oras na makapasok na sa PAR at mapanatili nito ang bilis at galaw, tatawagin itong Bagyong ‘Butchoy.’
Sa latest bulletin, ang weather disturbance ay nasa 2,020 kilometers silangan ng Mindanao.
May maximum sustained winds ito na 45 kilometers per hour o kph, at gumagalaw hilagang-kanluran sa 10 kph.
Gayunman, sinabi ng PAGASA na maliit ang tsansa ng sama ng panahon na mag-landfall.
Noong nakalipas na linggo, naitala ang kauna-unahang bagyo sa Pilipinas para sa taong 2016, at may codename itong ‘Ambo.’
Para naman ngayong araw ng Linggo, sinabi ng PAGASA na ang Intertropical Convergence Zone o ITCZ ay magdadala ng maulap na kalangitan na may katamtamang pag-ulan at thunderstorms sa bahagi ng Visayas, Mindanao, Bicol Region at MIMAROPA, habang makararanas ng isolated rainshowers o thunderstorms ang Metro Manila at natitirang parte ng Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.