Inaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtaas ng presyo ng ilan pang pangunahing bilihin.
Ayon sa DTI hanggang 15 porsiyento o P1.50 hanggang P6, ang naging pagtaas ng halaga ng sardinas na tumaas ng hanggang P3.59.
Gayundin ang powdered milk na nagkaroon ng pagtaas mula P3.50 hanggang P6 at sabon pangligo na P1.50 hanggang P4.
Ito ang ikalawang pagtaas sa presyo ng ilang bilihin simula pagpasok ng bagong taon.
Unang nadagdagan ang halaga ng kape at asin.
Ayon kay Asec. Amanda Nograles pinag-aaralan na ang pagbabago sa pagtatakda ng suggested retail prices (SRPs) para protektahan ang mga konsyumer, gayundin ang mga negosyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.