Indonesia nanawagan sa bagong administrasyong Pilipinas hinggil sa seguridad sa Sulu Sea

By Rod Lagusad July 02, 2016 - 07:25 PM
indonesia-mapNanawagan ang Indonesia sa bagong administrasyon ng Pilipinas na mapanatili ang seguridad sa Sulu Sea kung saan ang patuloy ang joint efforts ng dalawang bansa para mapalaya ang mga Indonesian national na binihag ng bandidong grupo sa bansa. Ayon kay Foreign Minister Retno LP Masurdi ng Indonesia, hindi nila kukunsintihin ang mga ganitong illegal na gawain kaya nanawagan sila sa gobyerno ng Pilipinas na siguraduhin ang seguridad sa Sulu. Ito ang naging pahayag ni Retno matapos makipagpulong kay Department of Foreign Secretary Perfecto Yasay. Dagdag ni Retno ang kanyang pakikipagpulong kay Yasay ay mahalaga sa pagpapanatili ng kooperasyon ng gobyerno ng Indonesia at Pilipinas sa pagpapalaya sa mga bihag. Binigyang diin ni Retno na ang pangunahing prayoridad ay ang kaligtasan ng mga bihag sa release efforts na kanilang isinasagawa. Ito na ang pangatlong hostage situation ngayong taon na kinakaharap ng Indonesia kung saan lahat ay may naganap habang dumadaan ang mga Indonesia nationals sa Sulu Sea sa timog na bahagi ng Pilipinas.

TAGS: Department of Foreign Affairs, indonesia, Perfecto Yasay, Department of Foreign Affairs, indonesia, Perfecto Yasay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.